
Silaw - Setsuna (Official Music Video)
#SetsunaPilipinas #Silaw #Setsuna Lyrics: Di mo na ako malilinlang sa bulong mong makamunduhan, Kahit pa akoy painan ng pekeng tulay mo diko hahakbangan.. Di mo na ako malilinlang pa Pwede mo na rin na hubarin ang maskara, Tila lobo sa hilera ng mga tupa na nag aabang sa susunod na biktima Pagkat di mo na napagtanto patalim sa mga kamay mo sa amba ng yong tarak, sa maitim mo na balak, na ikaw ang napahamak, sa dulo! ughrrr! Pilit mo man akong iligaw sa paraisong walang buwan, Hindi mo ko mapupukaw... Lunurin mo man sa kalawakan Mga luhong makasalanan Hindi mo ko masisilaw... Sa paliwanag kong ito nagpatunay repleksyon ng anino mo may mga sungay paang nasa hukay, tanging ang rason ay sa peke humanay, kita ko ang kulay, sa talim ng mga matang nanglilisik pagkagat ng dilim mistulang kumapit na tila bugtong ang hirit, na may dugo na sumirit, at pagsisisi ang himig ng tinig. ughhr!! Dudurugin ko ang lason na iyong tinataglay Mapang aliw mong kasinungalingan anino koy di sasabay. Linlangin mo man ng todo malay koy di mamamatay Kamatayang haplos mo kaluluwa koy hinding hindi mo matatangay.. Pilit mo man akong iligaw Sa paraisong walang buwan Hindi mo ko mapupukaw... Lunurin mo man sa kalawakan Mga luhong makasalanan Hindi mo ko masisilaw... Pagkat di mo na napagtanto patalim sa mga kamay mo sa amba ng yong tarak, sa maitim mo na balak, na ikaw ang napahamak, sa dulo! Sa amba ng yong tarak, sa maitim mo na balak, na ikaw ang napahamak, sa dulo! Pilit mo man akong iligaw Sa paraisong walang buwan Hindi mo ko mapupukaw. Lunurin mo man sa kalawakan Mga luhong makasalanan Hindi mo ko masisilaw... Mapag panggap ang isang katulad mo Sa daigdig na to si hudas ang ginaya mo! Kasakiman ang bawat na sa plano mo Kahit kapwa tao mo iyong ipinagkakalukmok! Video Editor: Mario Bermejo Produced by: Setsuna Mixed by: Timothy Abbot Mastered by: Aaron Gonzales